(FLASHBACK) "SIR! No! Hindi puwede iyang nais mo. Pati ikaw ay mamamatay---" "Kailan pa kayo takot mamatay? Ngayon lang ba tayo naharap sa ganitong engkuwentro? Bakit ba nababahag yata kayo ngayon? Remember, we are soldiers and we were born to die. Karangalan ng isang sundalo ang mamatay sa giyera kaysa kung ano-ano. Ngayon, sabihin ninyo kung mali ako. Kung oras kong mamatay ngayong laban ay wala na tayong magagawa pa." Nasa alanganin silang sitwasyon ngunit nakuha pa ni Brigadier General Aguillar ang misahan ang mga tauhan. "Tama ka, Sir. Pero hindi rin naman masama ang umatras kung tagilid na---" Hindi naman niya ugaling mamutol ng pananalita ng kahit sino. Subalit sa oras na iyon ay wala ng ibang nilalaman ang utak niya kundi ang tapusin ang engkuwentrong iyon. Dahil gusto niyang

