"ANO na naman ang pakulo mong babae ka?" taas-kilay na tanong ni Jillianne sa pinsan. Sa hitsura pa lang naman kasi nito ay halatang nag-iisip na naman ito ng nagagawa o gagawin sa pinsan na best friend na nasa pagamutan. "Ikaw naman, Ate. Aba'y bawal na ba ngayon ang kiligin? Susme, iniwan-iwan mo pa kasi si double bayaw Marcus kung miss mo na naman. Ibulsa mo na lang kaya upang lagi mong kasama," anitong bumaling sa pinsan na hipag. Ah! Paano kasi pinsan nito sa magkabilang angkan ang mga hipag at bayaw! "Itong si bunso yata ang may iniisip na kababalaghan eh. Look at her, aba'y pangiti-ngiti lang siya." Panunuro pa nito. Kaya naman ay sumabad na rin ang kanilang mga magulang. Ang yes, their parents because Mr Tristan Keith Mondragon and Joanna Mondragon are in the City of Baguio fo

