"KUMUSTA ka na, baby loves ko? Ayan kasi alam mo namang masungit na rin ang alaga mong aso. Ngunit nagawa mo pang nagtulog-tulugan," nakatawang saad ni Yvette sa asawa nang sa wakas ay naayos ng nurse ang benda ng sugat nito. And yes it is! 'Ano ba ang masakit, asawa ko? Wait! Nurse! Nurse! Ah, kapag ako ang mainis ng tuluyan sa inyo ay maidemanda ko kayong lahat!' 'Ma'am Yvette, ano ba ang nangyari? Bakit ka sumisigaw?' tanong ni Officer Ramon na mas nauna pang pumasok kaysa ang nurse na tinatawag. 'Mamaya na ako magpaliwanag, Sir. Pakitawag muna ang nurse. Mukhang bumuka ang sugat ng asawa ko.' Kaso bago pa makakilos ang opisyal upang tawagin sana ang nurse ay kusang bumukas ang pintuan at iniluwa ito. Kaya't tumabi sila upang maayos nito. 'Officer Ramon, maari bang iuwi mo na ang

