My Dearest Heir, Artemeo Aguillar II, Sa pagkakataong mabasa mo ang supat kong ito ay nasa kalinga na ako ng ating Panginoon Diyos. Dahil kahit ipahawak nila ito ngayon ay hindi mo rin mababasa. Ganoon pa man ay tandaan mo ang aking sasabihin, my heir. Walang mas masaya sa buhay namin ng great Grandma ninyo kundi ang makita kayong mga apo namin. Dahil matagal at mahaba-haba na rin ang nilakbay ng aming buhay. Sa inyong magpipinsan sa henerasyon n'yo ay ikaw ang masasabi kong tagapagmana ko. Dahil bukod sa ipinangalan ng Mama mo sa iyo ikaw ang kamukha ko o mas nakuha mo ang features nating mga Aguillar. Kahit may kaniya-kaniyang tawagan kayong magpipinsan ay alam naman nating lahat na lambing n'yo iyan sa isat-isa. Lalong-lalo na sa inyo ni Patricia Faye. Kung sa henerasyon ninyo ay ka

