LUMIPAS pa ang mga taon sa buhay nilang lahat. Dahil iginupo ng sakit ang Lieutenant General Andaya ay nag- early retirement ito. Ngunit hindi pumayag na mapunta sa iba ang binakanteng puwesto. Kaya't umangat sa puwesto ang dating Major General. "Kahit siguro ibala n'yo ako sa kanyon ng kampo ay hindi ninyo ako mapipilit na maupo sa General's position kapag iyan ang mabakante. Kayat huwag mo ng pangaraping magbitiw sa puwesto, General, upang mapunta sa akin iyan." Mga katagang nanulas sa labi ni Lieutenant General Artemeo Dos Aguillar sa unang araw ng kaniyang bagong puwesto. Close friends naman kasi ang pamilya nila kaya't ganoon siya makapagsalita sa superior. "Hanep ka, Lieutenant General. Mula noon hanggang ngayon ay iyan ang sinasabi mo. But thank you for being vocal on your feelin

