LUMIPAS pa ang mga taon. Nasa huling taon na sa serbisyo si Art Dos. Ipinangako naman kasi niyang pagkatapos ng mga anak ay magreretero na upang mapagtuunan ang asawa wala ng ginawa kundi suportahan siya sa lahat ng bagay. Sa trabaho man o sa personal nilang buhay. Ayaw na ayaw pa naman niyang e-take for granted ito. Ngunit dahil sa pakiusap ni General Calvin upang umangat ang nasa MG's position at kernel para may papalit sa kanila. Kaya nga nagka-extension pa ng ilang taon. Dahil si Bitchichay ay nauna ng nagretero. Oras na rin daw upang ihanap ng aasawahin ang mgs anak na puro barako na wala raw balak magsipag-asawa. Subalit sa pagkakataong iyon ay kailangan na rin niyang tuparin ang pangako sa mga anak. At isa pa ay nasa retirement age na silang parehas. Kaya't nang sinabi niya sa Ge

