"RIVIERA, BITCHICHAY! WHAT the hell is going on with you? Alam n'yo bang nakakabulahaw kayong dalawa sa pagtulog?!" Ang guwapo niyang mukha ay namumula! Aba'y sino ang hindi magagalit sa lagay na iyon? Mabuti sana kung nangatok sila kaysa kinalabog talaga ang kabahayan. But, wait! "Ano nga ba ang nangyayari sa earth, people? Nandito kayong tatlo kahapon at ngayon naman ay kasa-kasama n'yo ang Bitchichay na ito at tiyuhin ninyong ginawa na yatang Manila at Baguio ang Bangkok at Pilipinas. Fall in line and explain yourselves now!" Ayon! "Hmmm... Sa pagkakaalam ko ay reterado na tayong dalawa, pinsan na best friend at bayaw na rin. Nasaan ba ang lukreng na iyon at tanungin ko kung pinabigyan ka nga ba niya. Susme, kung kailan wala na sa serbisyo ay saka pa bumalik ang pagkamasungit eh."

