ISANG araw makalipas ang ilang taon simula noong ikinasal ng sabay-sabay ang tatlo sa quadrouplet. "Ano ka ba, pinsan na best friend! Maari bang maupo ka muna riyan? Susme, ako ang nahihilo sa iyo eh!" singhal ni Bitchichay sa kapwa may edad ng si Art Dos. "Hindi nga ako mapakali, pinsan na best friend. Ano ba kasi ang nangyari? Aba'y sabi mo bonding ninyong magpipinsan sa kabila. Kaya ko nga pinayagan ang asawa ko eh. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi ko na sana siya hinayaang sumama sa iyo!" ganti rin nitong singhal. "Kapag ako talaga ang mapuno sa iyo ay ipapahila kita sa barko nila pinsan. Aba'y kako maupo ka muna habang hinihintay natin ang pagdating ng doktor eh!" aniyang muli. Kaso hindi na ito nakasagot. Dahil ang mga dragona ay sumingit. "Hindi naman kayo nag-aaway

