"Imbes na ikaw ang pasiyahin ko ngayon kasi birthday mo, pero ako itong sobra mong pinasaya," emosyonal na saad ni Bernard habang sumasabay sila sa malamyos na musika, kasama ng ibang magkapareha, sa gitna ng garden. Nakayapos si Clara sa batok niya at mahigpit naman siyang nakahapit sa beywang nito. Hanggang ngayon parang hindi pa rin maka-move on si Bernard sa sobrang saya na nararamdaman niya dahil sa ginawa ni Clara kanina. Ang akala ni Bernard, gagawin na ni Clara ang sorpresa niya para rito. Kinabahan si Bernard. Akala niya mauunahan pa siya ng nobya. Masasayang sana ang ilang araw nilang paggising nang maaga para mag-practice habang tulog pa si Clara. Mabuti na lang din at napaaga ang pagluwas nila ni Joanna at Dean kaya nasuportahan siya ng mga ito. "Masaya rin naman ako ng