Nagtaka si Clara nang makita si Bernard na pumunta sa gitna ng garden. May hawak-hawak itong mikropono. Natawa si Clara sa iisiping magso-song number ang nobyo. Lalo itong gumuwapo at naginy kaakit-akit sa paningin niya. At hindi nga nagkamali si Clara. Dahil maya maya pa'y pumailanlang ang kantang pamilyar sa kaniya. Bahagyang natawa ulit si Clara nang sabayan iyon ni Bernard. Pinalakpakan naman ito ng mga bisita. Hindi pangit pero hindi rin naman super ganda ng boses ni Bernard. Pero masarap pakinggan. Nakakainlove. Damang-damang ng dalaga ang sicerity sa bawat salita, sa bawat linya. Ang sikat na kanyang "God Gave Me You" ni Bryan White ang kinakanta ni Bernard. At hindi maipaliwanag ni Clara kung bakit bigla na lang tumulo ang luha niya nang makarating sa chorus si Bernard. Muli ito