Parang nawala ang lahat ng pagod ni Clara nang makita kung paano nasarapan at nagustuhan ng pamilya ni Bernard ang lahat ng inihanda nila. Masaya silang nagsalo-salo. Si Marikit ay tuwang-tuwa rin sa bagong kita nitong mga pinsan. Kinahapunan ay ginulat sila sa pagdating ng pamilya nina Dean at Joanna, na galing Hacienda Ramona. Ang buong akala nila ay bukas pa ng umaga darating ang mga ito. "Gusto kong tulungan si Mareng Clara sa pag-aasikaso," nakangiting paliwanag ni Joanna nang tanungin nila kung bakit napaaga ang mga ito. "Alam kong pareho kaming hindi mapakali kapag may ganitong occassion, kahit may catering services pa." "In short, pareho kayong mahilig pahirapan ang mga sarili," natatawang sagot ni Dean sa asawa. Tinapik nito sa balikat si Bernard. "'Di ba, pare? Masokista yata