Bago ang araw ng kaarawan ni Clara ay dumating na sa Manila ang ina at mga kapatid ni Bernard. Pati na rin ang bayaw at mga pamangkin nito. Sinundo sila ni Bernard sa airport. Pero hindi na sumama si Clara dahil abala sila sa pag-aasikaso. May catering service naman bukas. Pero mas gusto ni Clara na paghandaan din ang pagdating ng pamilya ni Bernard kaya naghanda sila kahit kaunti lang. "Besh, okay na ang carbonara?" tanong ni Clara kay Aarah. Bukod kay A, ang dalawa niyang kaibigan ang katulong ni Clara sa pagluluto. Si B naman ang nagbabantay kay Marikit. Habang tagahiwa naman ng mga ingredients sina C at D. Si E naman ang tagaligpit at tagahugas ng mga kagamitan. "Huwag mong i-over cook, ay lamugin pala, ang pasta, ha?" "Okay, besie, ako pa?" pagyayabang ni Aarah. "Luto na rin pala,