Magkaakbay na lumabas ng kuwarto sina Clara at Bernard. May tatlong araw na rin simula nang makalaya ang mga ito. At sa loob ng mga araw na iyon ay wala silang tigil sa pagpaparamdam sa isa't isa ng kanilang pagkauhaw at pagmamahal. Mabuti na lang at libang na libang si Marikit sa mga ninang at ninong nito. "Good morning, nanay! Good morning, tatay!" masigla at maaliwalas ang mukhang bati sa kanila ni Marikit. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa lamesa at sinalubong sila nang mahigpit na yakap, at maraming halik. Kaagad naman itong naglambing at nagpakarga sa ama. "Tatay, gusto ko po kayo ang maghatid sa'kin sa school bukas, ha," paglalambing ni Marikit kay Bernard. "Para po makita at makilala n'yo ang mga classmate at teacher ko." "Iyon lang pala, eh," matamis ang ngiting sagot ni Bernar