Kakatapos lang ni Clara na maligo. Hindi na siya nag-abalang magtapis ng towel nang lumabas ng banyo. Bukod tanging bra at panty lang ang suot niya. Napangiti pa ang dalaga nang maabutan si Bernard na mahimbing pa rin ang tulog. Nakahubo't hubad ito kaya kinumutan niya. Pilyang napangiti si Clara. Paano hindi mapapasarap ang tulog ng nobyo, eh, simula pa kaninang tanghali hanggang ngayong alas siyete nang gabi, ay wala silang labas-labas ni Bernard. Tinotoo nga talaga ang sinabi nito na five rounds. Papahinga lang sila ng mga thirty minutes tapos game ulit. Talagang sinulit nila ang limang taong pangungulila sa isa't isa. Napangiti nang matamis si Clara, habang umiinit ang mga mata na pinagmamasdan si Bernard na nakadapa sa kama. Kahit anong kurot niya sa sarili, talagang hindi basta nan