Sandaling tumigil sa paghakbang si Bernard, nang makarating sila sa tapat ng gate ng kanilang bagong bahay. Ngayon pa lang niya ito nakita. At habang sinusuyod ng tingin ang buong paligid, hindi mapigilan ni Bernard ang matawa nang marahan. Malayong-malayo ito sa mansiyon niya noon sa Mexico. Halos kasing laki lang ito ng guest house ni Bernard. Pero nakakapagtakang hindi siya nakaramdam man lang ng panghihinayang. O kahit pagsisisi na ibinenta niya ang halos lahat ng kaniyang kayamanan sa Mexico. Nang makulong si Bernard, tinawagan niya ang kaniyang abogado. Lahat ng properties ni Lord Hare ay pinabenta niya. Lahat nang kinita ay pinabigay ni Bernard sa mga charities na sinusuportahan niya. Kahit pera ni Lord Hare ay pinamigay din lahat ni Bernard. Dahil legal naman at dugo't pawis ang