Chapter 95

2220 Words

HANGGANG umuwi ay dala niya sa isip ang pangyayari kanina sa mall. Kanina habang nagku-kwento si Lia, ayaw man niyang aminin pero nararamdaman niyang hindi ito nagsisinungaling. Isa pang lubos na naglalagay sa kanya sa matinding kaisipan ay ang naging reaksyon nito nang makita nito ang mga lalaking sumdo rito sa restaurant. "Ate, okay ka lang?" untag ni Jaz sa kanya na sinundan pala siya sa tabing-dagat. Matapos kasing ayusin ang mga pinamili sa kanyang silid ay bumaba siya para lumanghap ng sariwang hangin sa dalampasigan. "Jaz! Oo naman, bakit mo naman naisip na hindi ako okay?" Nakangiti niyang saad. Tumabi ito sa kanya sa pagkakasandal niya sa malaking batuhan. "Para kasing ang lalim ng iniisip mo, e. May problema ba?" tanong pa rin nito. "Wala akong problema, Jaz," sabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD