"NASAAN si Dimmitry kung gano'n?" tanong niya dahil gusto niyang makasiguro. "Darating sila mamaya ng Mama at Papa. Wala akong maaasahang magluto ng dinner. Malakas ang ulan kaya malabong makarating ang caretaker. Kaya pagpasensiyahan mo nalang ang luto ko. Usually, siya talaga ang nagluluto ng food ko kapag alam niyang narito ako." Sa hindi niya malamang dahilan, hindi pa rin niya magawang mapanatag ang loob rito sa kabila ng pagiging friendly ng mga pangungusap nito. "Mamaya lang ay darating na sila rito," ani pa ni Dominique na tumingin pa sa suot na relos. "Ang usapan ay dinnertime. Sandali na lang ito at maluluto na." "I-ihahanda ko na ang mesa," sabi na lang niya dahil kahit anong pagpapakalma ang gawin niya sa sarili ay hindi pa rin niya magawang makipag-usap dito na para bang no