"KUYA? Kuya!" Tumitili si Lovi na mabilis tumayo at sinalubong ang estrangherong lalake. Awtomatikong nangunot ang noo niya. Ibig sabihin kaya ay ito ang kapatid ni Lovi na may-ari ng bahay na inookupa niya? Niyakap ng kaibigan niya ang bagong dating. Saglit na nawala ang pagtataka sa gwapong mukha ng lalake at napalitan iyon ng kasiyahan pagkakita sa kaibigan niya. "Lovi…" Ginantihan nito ng yakap si Lovi at kitang-kita niya ang pagkasabik sa mukha nito nang mayakap ang kaibigan niya. Parang gusto pa ngang maging emosyonal ng kaibigan nang mga sandaling iyon. "God! Ginulat mo ako, bakit hindi mo kami sinabihan na uuwi ka?" ani Lovi na tuluyan ng umiyak. "Because I wanted to surprise all of you. Sina Mom at Dad. Pero hindi ko alam na na mukhang ako pala ang maso-sorpresa," sabi ng la