Chapter 74

1052 Words

INALALAYAN niya ang ina para makalakad ito ng maayos. Pagkuwa'y halos hilahin niya ito pabalik ng kotse. "Althea! Please, mag-usap tayo!" ani ng binata na alam niyang hinahabol sila at malapit na malapit na silang abutan ng kanyang Mama. Halos nasa likuran na lang kasi niya ang tinig nito kaya rinig na rinig din niya ang pakiusap sa boses ng binata. "Hija, don't you think it's time para mag-usap kayo?" sabi ng Mama niya habang pilit siyang sinasabayan sa paglalakad. "Ayoko po, Mama. Baka mabilog na naman niya ang ulo ko kapag nagkausap kami," pinal niyang sabi. Mas binilisan nila ang paglalakad kaya naman nagulat pa siya nang sa isang iglap lang ay nasa harapan na nila ang binata. "Althea, please? I'm begging you, hindi ako aalis dito ngayon hanggang hindi tayo nagkakausap," anito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD