MABILIS na lumipas ang isang buwan. Ayos na ang lahat ng kanyang papeles papunta sa ibang bansa para doon ipagpatuloy ang buhay, pero habang lumilipas naman ang mga araw ay patindi ng patindi ang kanyang nararamdaman na totoo ang kanyang kutob. "Napapadalas na ang pagsusuka mo, ah. Baka akala mo ay hindi ko 'yan napapansin, anak. Babae rin ako, kaya alam na alam ko kung bakit nagkakaganyan ang isang babae," ani ng Mama niya na hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya habang nagdududuwal siya sa kanyang lababo. Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang tingin ng ina sa salaming nasa gilid ng kanyang sink. Nakahalukipkip ito at matamang nakatingin sa kanya. "Ma…" "I think we should visit a doctor. Sasamahan kita, come on, dress up." Nagpatiuna na ito pabalik sa kanyang silid at n