Chapter 76

1248 Words

HIHILAHIN na sana niya ang ina palayo pero huli na dahil ngayon ay tumatakbo na ang batang si Roby papunta sa kanilang kinatatayuan. Kaagad itong yumakap sa kanyang mga hita kaya wala silang nagawa ng ina kung hindi magtinginan. "Bakit hindi na po kayo pumupunta sa bahay, Tita Althea?" Patuloy sa pag-uusisa ang bibong bata. Ilang sandali siyang natahimik at hindi nakasagot. Anak ito ni Lia pero alam niyang walang kasalanan ang bata. Pagkuwa'y tipid siyang ngumiti saka ginulo ang buhok nito. "Umuwi na kasi ako sa amin, Roby. Malayo ang province namin kaya hindi na ako nakakadalaw sa inyo," alanganin niyang sabi habang pinipilit ang sarili na huwag tingnan ang dalawang kasama ng bata na alam niyang nakapako ang tingin sa kanya. "Tita, alam mo po ba, sa bahay na ni Daddy nakatira so Momm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD