KUNG may nararamdaman si Althea nang mga sandaling iyon, walang iba kung hindi magkahalong pagod at galit. Napagod siya kahihintay kay Dimmitry, napagod siya sa pagtawag at pag-text pero ni isa ay wala siyang nakuhang sagot. Namuti ang mata niya sa paghihintay kaya naman wala siyang ibang nararamdaman ngayon kung hindi galit para sa binata. Nakauwi na siya sa condo pero wala pa ring patid sa pagtulo ang kayang mga luha. Ngayon lang ito ginawa sa kanya ng binata. Unang beses nitong paghintayin siya at pinagmukhang tanga. Pero ang mas ikinasasama ng loob niya, para sa kasal nila ang dapat nilang lalakarin, and yet, nakalimutan pa rin ng binata, which is talagang nakakapagtaka. Simula nang magkakilala sila at magkaroon ng pagkakataon na magkasama, hindi pa siya nito pinaghintay ng walang pa