"I'M SORRY kung pinipilit ka nila na ako si Lia at anak natin ai Roby." Nilingon niya ang babaeng hindi niya namalayang sumunod pala sa kanya sa veranda. Stressed siya dahil sa nangyayari. At kapag ganitong stress siya, hindi niya napipigilan ang sariling humithit ng yosi, bagay na matagal na niyang itinigil. "Ano pa nga bang magagawa ko?" Tell me, modus n'yo ba 'tong mag-ina? Magkano ba ang ibinayad sa 'yo ni Dominique para maging artista sa palabas na 'to?" Puno ng sarkasmo ang boses niya nang mga sandaling iyon. "N-no. Hindi ko alam ang sinasabi mo. N-nananahimik lang naman kaming dalawa ng anak ko. Nagulat na lang ako nang biglang may imbestigador na dumating sa apartment namin," sagot nitong nauutal-utal pa. Bumuga siya ng usok at saka tumingin sa malayo. "You know what? Hindi k