Chapter 81

1123 Words

KUMAKALABOG ang dibdib niya habang papalapit ito sa kinaroroonan nila ni Paolo. Gayunman ay hindi siya nagpahalata. Binawi niya kaagad ang tingin sa binata at itinuon sa lalaking kaharap. Pero sa malas ay huminto pa ito sa gilid ng mesa nila. Tiningala niya ito at huling-huli niyang masama ang tingin nito sa kasama niyang si Paolo. "Thea, pwede ba tayong mag-usap?" anito sa seryosong tinig. Wala sa loob na napatingin dito si Paolo. Ilang sandaling nagkatitigan ang mga ito. Si Dimmitry ay hindi kumukurap, para bang kapag ginawa nito iyon ay may hindi magandang mangyayari. Si Paolo ang kaagad nagbawi ng tingin. Mula kay Dim ay ibinaling nito ang mukha sa kanya. "Kuya!" Mula sa mesang inookupa ng mga magulang ay tili ni Lovi. Palapit na ito sa kanila at pagtapat palang sa mesa ay kinapita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD