"OH MY! Totoo ba 'yan?" "Lovi naman, lolokohin ba naman kita? At kung magbibiro man ako, hindi ko gagawing biro ang pagbubuntis," nakaismid niyang sabi sa kaibigan pero mas lalo lang lumuwang ang ngiti nito. "Ay! Soon to be ninang na pala ako!" tili nito, masayang-masaya para sa kanya. "Hoy, ano ba! Tumigil ka nga diyan. Baka mamaya marinig ka ng asawa mo, kung ano pa ang isipin no'n," saway niya rito. Nasa grill sila pero malayo sila sa karamihan. Kasama ng pamilya nito ang mga magulang niya at masayang nagkukwentuhan. Sila naman ni Lovi ay lumayo para magkwentuhan ng sarilinan. "Hindi lang kasi ako makapaniwala. Matagal n'yo ng gusto ni Dim na magkaroon ng—" Natigil ito sa pagsasalita nang mapansing napayuko siya. "I'm sorry, Thea, hindi ko lang talaga napigilan 'yong excitement