"PAPA! Papa! What this Jean means na babalik dito sa Del Fuego si Dimmitry?" Halos humihingal siya nang sa wakas ay makarating sa grill ng resort kung saan naroon din ang kanyang Mama at ilang pinsan. Hindi siya makapaniwala na ang iniiwasan niyang tao ay araw-araw din naman pala niyang makikita dito. "It's true, hija," kalmanteng sabi ng Papa niya. Awtomatikong natampal niya ang sariling noo. "Papa naman, kaya nga isa pang pinili kong bumalik dito, e. Gusto ko ng tahimik na buhay. Ayoko ng stress. And there you are, kinuha mo na namang piloto ang taong iniiwasan ko." Tumayo ang Papa niya buhat sa kinauupuang bench at hinarap siya. Pero bago ito magsalita ay huling-huli niyang napalunok muna ito. "Anak, you don't understand. Peak season na kaya hindi kaya ng Del Fuego na dalawa lang