"REMEMBER kung ano 'yong sinabi ko sa 'yo last time? Maaagaw ko sa 'yo si Dim, right? Here I come, Althea," waring siguradong-sigurado si Lia nang sabihin iyon sa kanya. Puno ng sarkasmo ang tinig nito at may halo pang pang-uuyam ang paraan ng pagkakangiti. Sarap sabunutan ng bruha! Walang kaalam-alam ang mga tao sa sala na ganito ang klase ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Lia kapag silang dalawa lamang ang magkaharap. Pumormal siya at nagtaas ng kilay. Kung balak nitong sirain pa lalo ang gabi niya ay hindi siya magpapatalo dito. "Masyado namang mataas ang ambisyon mo, Misty, ay, Lia pala. O sabihin na nating, kahit sino pang pontio pilato ka. Anak mo lang ang kailangan ni Dim. Hindi mo ba narinig ang mga sinabi niya kanina sa anak mo? Kaibigan na lang ang tingin niya sa 'yo dahil