NANINIKIP na ang dibdib niya pero wala naman siyang lakas para umalis at hindi niya alam kung bakit. Nagawang ibaba ng babae ang zipper ng pantalon ni Dimmitry pero hindi pa iyon tuluyang inalis. Muli nitong sinibasib ng halik ang binata at aksidenteng natanggal ang maskara nito sa mukha. "L-Lia?" gulat na gulat si Dim nang tumambad ang mukha ng babae. Waring natigilan din si Lia pero saglit lamang iyon. Ang sumunod na ginawa nito ay pinuntirya ang leeg ng binata. Bigla ang pagragasa ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwalang si Lia ang nasa kabila ng maskarang iyon. Siguradong plinano nito ang lahat para isakatuparan ang pagbabanta nito na agawin si Dim sa kanya. Mas lalong bumalong ang kanyang mga luha. Lalo na nang makitang walang ginawa si Dimmitry para pigilan an