"MATAGAL ng walang tao dito. Bes. Nag-migrate na kasi sa America si Kuya, buhat nang…alam mo na. Naikwento ko na sa 'yo ang nangyari, 'di ba?" Marahan siyang tumango. Ikakasal na rin sana ang mga ito noon kagaya nila ni Dim ngayon. Pero hindi sumipot ang bride sa simbahan. Mula noon ay naging loner na ang kuya ni Lovi. Tanging negosyo na lang ang inatupag nito, ang ending tuloy ay CEO na ito ng sariling kompanya sa America. "H-hindi ba nakakahiya na tatao ako dito, Lovi? Baka mamaya biglang umuwi ang Kuya mo at—" "Hindi uuwi 'yon kaya huwag kang mag-alala." "Pa'no mo naman nalaman?" "Matagal na namin siyang pinauuwi. Pero hindi naman nangyari." Tinulungan siya nitong buhatin ang mga gamit niya papasok sa loob ng bahay matapos nitong i-on ang switch ng ilaw. Pagkatapos ay nagpatiuna n