MABILIS na lumipas ang dalawang linggo. Dumalas ang pagluwas ni Dimmitry sa Maynila dahil sa extension ng kompanya nito sa Laguna. Dahil doon, napilitang mag-hire ng bagong piloto ang Del Fuego. Madalas din siyang naiiwan doon dahil pinayuhan siya ng doktor na huwag munang masyadong bumibiyahe dahil nagkaroon siya ng spotting noong nakaraan. Kaya kahit minsan ay gusto niyang sumama kay Dimmitry sa pagluwas, mas minamabuti niyang maiwan na lang sa isla. "Matagal ka ba do'n, Hon?" aniya kay Dim habang iginagayak niya ang mga gamit na dadalhin nito sa paguwas. Masuyo siya nitong tiningnan at pagkuwa'y hinawakan ang kaliwa niyang pisngi at kinurot iyon. "Hindi ako magtatagal doon. Alam mo naman na mami-miss kita kapag ginawa ko 'yon." Napangiti siya. Kung sabagay ay totoo kasi ang sinasabi