"GOOD MORNING!" malakas na bati ng lahat pagdating nila ni Dimmitry sa pinakamalaking Nipa Hut na nakaharap sa dagat nang umagang 'yon. Kumpleto ang pamilya at mga pinsan niya na kasalukuyan ng nag-aalmusal nang dumating sila. Masagana din ang nakahaing pagkain sa tablang lamesa. "Good morning," halos sabay nilang sabi ng binata. Pigil niya ang tawa dahil mula sa pagkain ng lahat ay nalipat ang atensyon ng mga ito sa kanila. Lalo pa at ang isang kamay ni Dim ay nakahapit pa sa kanyang baywang. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang pagtitinginan ng mga magulang niya at parents nito. Huling-huli pa niya ang ngiti sa labi ng kanyang ina at Mama ng binata. "Mukhang kaganda ng araw ngayon, Auntie, 'no? Parang may mga pusong muling nagkaayos," sabi ni Jaz na kahit ibinalik na sa pagka