Chapter 64

1902 Words

"BA'T kanina ka pa walang kibo, Hon? May masakit ba sa 'yo? Napagod ka ba?" Pauwi na sila lulan ng sasakyan ng binata. Naihatid na nila sa terminal ang mag-ina, na gusto pa nga sanang ihatid ni Dim sa inuuwian ng mga ito. Mabuti na lang at tumanggi si Misty. Sa isip niya ay marunong naman palang mahiya ang babaeng 'yon. Minsan pa ay minabuti niyang huwag sabihin sa kasintahan ang naging pag-uusap nila ni Misty kanina. "Napagod lang nga siguro ako, Hon. Sumakit 'yong mga paa ko kakalakad," aniya na pilit na nakangiti. Totoo namang napagod siya. Ilang balik sila sa toy store dahil sa kahahanap ng mga laruan para kay Roby. Gusto na nga sana niyang maupo na lang muna sa isang tabi pero ayaw naman niyang masabihan siyang KJ ng mga kasama. Ayaw din niyang magdiwang si Misty dahil iisipin nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD