Blossom WE ARRIVED at Taytay Church. Nauna nang lumabas ng tricycle si Noriel. Siya na rin ang nagbayad ng aming pamasahe sa driver. Sandaling nagtama ang mga mata namin ni Jaxx na siyang driver nito. Nakasuot siya ng itim na sombrero na bahagyang tumatabon sa kanyang mga mata. Isa rin siya sa miyembro ng Delta Organization na under ni Kuya Noah. "Salamat po," turan niya bago niya muling pinaandar ang tricycle. Ako naman ay nauna nang tumalikod at pumasok sa loob ng gate ng simbahan. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Noriel. "Malaki din pala ang simbahan na ito," he said from behind me. Kaagad din niya akong sinabayan at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Babawiin ko sana ito pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya dito. "Wala namang gaanong tao sa