Blossom NAGBAGO ang isip ko na kunin ang motorcycle ko sa safehouse. Ayaw ko lang magbago ang pagkakakilala sa akin ni Noriel. Mamaya lang kasi ay magkikita kaming muli sa apartment at siguradong uusigin niya ako. Sumama ako sa Delta safehouse para planuhin ang mga susunod naming hakbang para mahuli ang sindikatong kinabibilangan ni Noriel. Kailangan kong ipagpatuloy ang pag-arte sa harapan niya at kung hindi pa rin matutukoy ang kuta ng mga ito sa pamamagitan ng tracker chip na itinanim ko sa cellphone ni Noriel, wala na kaming choice kundi ang sumama sa kanya at magpakilala sa boss niya na mag-a-apply ng trabaho. Alam naman naming doon nila ako dadalhin kung saka-sakali. Bago mag alas dose ng tanghali ay nagpahatid ako kay Erin sa Prime Point building gamit ang motorcycle niya. "Th