Blossom NAG-ENJOY at nabusog kami sa pagkain sa karinderya ni Nanay Sally. Marami rin ang kumakain dito kaya hindi na kami nakapagkwentuhan pa ni Nanay at Jean. "Ihahatid na kita sa opisina niyo." "Uuwi na ako," kaagad kong sagot kay Walter. Kasalukuyan na kami ngayong nasa motorsiklo niya at kalalabas lamang namin ng karinderya. Kaagad din namang nangunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. "Wala ka na bang trabaho?" "Bukas na ulit. Nag-report pa lang ako sa office." He didn't know I was an undercover agent. Basta ang alam niya lang ay nagtatrabaho ako sa batas. Hindi pa rin naman siya nagtatanong sa akin kung saang ahensiya at anong position ko. Siguro ang pagkakaalam niya ay isa akong pulis. Mas mabuti rin na huwag na muna siyang magtanong. Mahihirapan na rin kasi akong mags