CHAPTER 59: Fear of Guns

2459 Words

Blossom "Bakit hindi ka pa natutulog?" Bigla akong napakurap nang maaninag ko mula sa dilim ang nakadilat nang mga mata ni Walter at nakatitig na sa akin. Kanina lang ay nakita kong natutulog na siya. Alas diyes na ngayon ng gabi at pareho na kaming nakahiga. Magkatabi kami ngayon dito sa mattress pero napapagitnaan kami ng isang unan na yakap ko ngayon. Tanging ilaw na lamang sa banyo ang nakabukas kaya medyo may kadiliman na dito sa higaan namin. Pero maririnig pa rin ang ingay sa labas nitong apartment. Siguradong marami pang gising na mga kapitbahay sa mga oras na ito. "Nahihirapan ka ba? Mainit ba?" Bumangon siya at inayos ang pagkakatapat sa akin ng electric fan. Mas lumakas pa ang hangin kaya mas lalo pa akong nilamig. Hindi niya yata napansin na nakakulumbot na ako ngayon ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD