Blossom "Aalis na ako." Isinakbat na niya sa balikat niya ang bag niya at nagtungo na sa pinto. "Best friend, masakit ang ano ko!" kaagad kong sigaw sa kanya. Napalingon naman siya sa akin. "Alin?" "Dito banda." Hinawakan ko ang gilid ng lips ko. "Look. Maybe it needs medicine, too." Kaagad naman siyang lumapit sa akin. Nakasuot na rin siya ngayon ng sapatos niya. "Where?" "Here. Lapit ka." Yumuko din naman siya sa akin habang tinititigan ang gilid ng lips ko. Mabilis akong yumakap sa leeg niya at hinalikan siya sa lips niya. "Ingat!" nakangiti kong sabi sa kanya. "Tss." Napailing naman siya pero nabasa ko ang pagguhit ng munting ngiti sa mga labi niya. "Ang bango mo. Huwag kang tatabi sa ibang babae, ha." Hindi naman siya sumagot. Kaagad na rin siyang tumalikod at tuluyan