Blossom IBINABA NIYA ang bag at helmet niya sa isang tabi bago inumpisahang hubarin ang jacket niya, pero ang mga mata niya ay nananatiling nakatitig sa akin. Ipinatong ko naman sa ibabaw ng countertop ng lalabo ang basong naglalaman pa ng kikiam. NaG-cross arms ako sa harapan niya habang nilalabanan din ang mga titig niya. "Nakita ko ang ginawa mo kanina sa harapan niya. What does that mean?" "Alin?" Kunwari'y wala akong alam. "Alam mo kung ano'ng sinasabi ko." Isinabit niya ang jacket niya sa likod ng pinto at ang mga sapatos naman niya ang hinubad niya. Itinabi niya ang mga ito sa gilid at ang T-shirt naman niya ang hinubad niya sa harapan ko. "I'm not doing anything wrong. Is it bad to talk to a neighbour? Mas maganda ngang nagiging kaibigan ang mga kapitbahay, right?" Hindi ko