Blossom HINDI AKO MAKAKAPAGLABA ngayon kaya minabuti ko na lamang na maghanap ng malapit na laundry shop. Kailangan ko kasing malabhan muna ang mga pinamili kong damit namin bago isuot. Nakakita din naman ako nito kaagad malapit sa parang talipapa. Maliit na pamilihan ito ng mga gulay, isda, karne, bigas at kung ano-ano pa. However, the other shop was closed dahil siguro two o'clock pa lamang ngayon ng hapon at nagpapahinga ang mga tao. Babalik na lamang ako dito mamaya para bumili ng malulutong ulam. Mag-iisip din muna ako kung ano'ng pwede kong iluto mamaya. Manonood din muna ako sa you***e para hindi na ako magkamali. Nakakatakot palang magkamali dahil nagiging tigre si Walter. But why should I be afraid of him? He should be afraid of me! Remember, hindi ako nagpapa-under sa mga l