Blossom LUMIPAS ang ilang araw na hindi na nagpaparamdam pa sa akin si Walter. Base sa sinabi niya sa mga kapatid niya noong gabi sa Laguna ay mukhang nalaman na niya ang tungkol sa manang matatanggap nila mula sa mga Lolo at Lola nila. Masaya akong malaman na tinanggap nila 'yon dahil alam kong sa mga oras na ito ay nagbabago na ang buhay nila. Dala nang kahirapan kaya napilitan ding maghanap ng trabaho si Lileth, at maaari din itong gawin ni Lilly kung hindi nila tatanggapin ang mana nilang 'yon. Sa loob ng ilang araw ding paghihintay ko na magparamdam si Walter ay pinili ko na lamang ding magkulong sa kwarto ko dito sa mansion. Pero dahil naman dito ay samo't saring senaryo ang naglalaro sa isipan ko, at madalas ay tahimik na lamang akong umiiyak. Mis na mis ko na siya, sobra. Per