Blossom "Kuya!!" Humagulgol si Lileth nang mayakap na niya ang mga kuya niya. Pati ako ay naiyak na rin sa eksena nila. "Paulit-ulit ko namang sinasabi sa inyo, 'di ba? Huwag na huwag kayong sasama sa mga hindi niyo naman kilalang tao. Lalaki man 'yan o babae. Maging aral na sana ito sa 'yo," pangangaral pa rin sa kanya ni Walter. "Gusto ko lang naman po sanang makatulong sa inyo, mga kuya," humihikbing sagot naman sa kanya ni Lileth. "Hindi niyo na kailangan pang gawin 'yan ngayon. May pera na tayo. Tayo pa ang makapagpapatayo ng kung anumang negosyong gustuhin natin." "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?" tanong naman kaagad sa kanya ni Wesley. "Sa bahay ko na lang ipapaliwanag. Umuwi na tayo." Kaagad na humarap sa akin si Walter. "Sasama ka ba? Uuwi muna ako sa Cavite." "Hindi na