THIRD PERSON HUMAMPAS sa ulo ng isang female cook ang isang baril na hawak ni Orchid, isa sa mga miyembro ng Delta Organization. Kaagad nawalan ng malay ang babaeng nasa thirties pa lamang ang edad. Malakas itong hinila ni Orchid patungo sa madilim na bahagi ng likurang kusina. Hinubaran niya ito ng uniform at siyang mabilis na nagsuot. Basta na lamang niya itong iniwan sa isang sulok bago siya pumasok sa loob ng kusina kung saan abala ang lahat ng mga taga-luto para sa isi-serve na pagkain sa mga banyaga. Umasta siya na kabilang sa mga ito. Nakita niya ang isang babaeng may bitbit na tray na puno ng mga pagkain. Kaagad niya itong hinarang. "Ilalabas na ba 'yan? Ako na ang gagawa. Magpahinga ka na muna, mukhang pagod ka na." Napatitig sa kanya ang babae. "Oo, pagod na pagod na talaga