Blossom "Blossom. Are you leaving?" I suddenly stopped walking when I heard Dad's voice behind me. Kaagad ko rin siyang nilingon. "I'm sorry, Dad..." Sumulyap ako sa pagbisig kong relo at ipinakita din ito sa kanya. "We have a crucial meeting today. Hindi ako nakapag-leave dahil dalawa sa team members namin ang nauna nang mag-leave sa akin. The team really needs me right now." Lumarawan naman ang magkahalong lungkot at disappointment sa kanyang anyo. "Wala ka na ba talagang time para sa amin? Minsan lang tayo magkasama-sama nang ganito." "Dad." Lumapit na ako sa kanya. "Gusto ko naman, gustong-gusto. Pero hindi lang talaga pwede sa ngayon. Hayaan niyo, kapag nakabalik na 'yong dalawa sa team namin, magfa-file kaagad ako ng leave." "What's going on here?" Bigla namang lumabas ng baha