Blossom "Whoaa!!" I turned to my bridesmaids right after tossing my bouquet. "Oh, my God!" Napanganga si Dolly at tila hindi inaasahan na siya ang makakasalo nito. "Woohoo!!" "Dolly!! Dolly!! Dolly!!" "Dolly!! Dolly!! Dolly!!" Nagkagulo at naghiyawan ang aming mga pinsan. "Susunod na 'yan!!" "Susunod na 'yan!!" Namula siya ng husto at hindi makapagsalita pero naroroon ang malapad na ngiti sa mga labi. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Congrats!" bati ko sa kanya. Itinaas ko ang kamay niyang may hawak sa bouquet at iwinagayway sa ere sa kanilang harapan. "Oh, my God! Who am I going to marry?" she asked everyone, laughing. Sa edad kasi na 29 ay hindi pa rin siya nag-aasawa. Pero nagkaroon na rin naman siya ng boyfriend noon. "Ang dami!" sigaw naman ni Lucio, o