Blossom PINALIPAS MUNA namin ang dalawang araw bago kami lumipad ni Walter patungong Spain. Kasama na rin ang mga kapatid niya. Nagbukas na muna kami ng mga gifts noong unang araw at dinala namin sa Spain ang mga pwedeng dalhin. Ang karamihan ay itinambak na lamang namin sa room ko. Nagtungo din muna kami sa bahay nila sa Cavite. Humanap ng caretaker si Walter para kahit nasa malayo silang magkakapatid ay nalilinis pa rin ang bahay. Wala daw silang planong ibenta iyon dahil doon nabuo ang maraming magagandang alaala ng kanilang pamilya, kasama ang mga magulang nila. Simple pero may kalakihan din ang bahay nila doon at ang ama daw nila ang bumili niyon simula noong umuwi sila mula sa Spain. Ipapaayos din daw nilang magkakapatid iyon para gawing bakasyunan tuwing uuwi kami sa Pilipinas.