Sneak Peek Ces Marciano NAGISING AKONG BIGLA sa isang kamay na humahaplos ngayon sa kaliwa kong binti. Tumataas ito patungo sa hita ko. Ganun na lamang ang kabang naramdaman ko. Wala akong makita kundi puros kadiliman lamang, pero alam kong naririto pa rin ako sa kamang kinahihigaan ko, sa silid ng isa sa mga guestroom ng family Delavega--ang pamilya ni Sir Damien. Nagtatrabaho ako bilang secretary ni Ma'am Damzel, panganay na anak ni Sir Damien at CEO ng VM Health Center. Ngunit dahil malapit na siyang manganak ay dito na lamang siya nagtatrabaho ngayon sa mansion nila. Isinama niya ako dito at dito pansamantalang pinatigil. Limang araw na ang nakalilipas. Noong una ay doon ako natutulog sa bahay ng mga maid na matatagpuan sa likod nitong mansion, ngunit ang gusto ni Ma'am Damzel ay