Eunah KINABUKASAN ay maagang lumipad pabalik ng Baguio sila Tita Diana at Tito Dexter. Babalik na lamang daw sila sa araw ng aming kasal. Buwan-buwan din naman pala ay umuuwi sila dito sa Bulacan para bisitahin si Lola, ganun din naman sa Manila para bisitahin ang family ni Tito Dexter at Daddy ni Tita Diana. Si Damiel na ang nagbanggit sa akin na iba ang ama ni Tita Diana. Isa rin daw itong negosyante at mayroong ibang asawa sa Manila. Si Damiel naman ay nag-umpisa na ring gumayak para bumalik ng Manila ngayong araw. May importante silang meeting ngayon sa opisina kaya hindi daw siya pwedeng mawala doon, lalo na ngayong nasa bahay na lamang ang trabaho ni Ate Damzel. Malapit na rin kasing manganak si Ate Damzel kaya sa bahay na lamang siya nagtatrabaho sa ngayon. "Sama ako, Daddy!"