Eunah "Good morning, Lola," pabulong kong bati kay Lola kasabay nang pag-abot ko sa kanya ng isang pumpon ng mga puting rosas. Nagmano din ako sa kamay niya. "Napakaaga niyo," nakangiti din niyang bulong sa akin. Mukhang napakaganda ng mood niya ngayon. "Dinalhan po namin kayo ng breakfast." "Good morning, Lola." Nagmano din sa kanya si Damiel bago ibinaba sa mesa ang isang basket ng mga pagkain naming dala. Muli naming sinulyapan sila Mama at Papa na hanggang ngayon ay natutulog pa rin sa malapad na sofa. Nagkasya talaga silang dalawa doon at nakayakap si Papa kay Mama mula sa likod. Kaagad kong inilabas ang phone ko at kinunan sila ng larawan. Natutuwa akong makita silang ganito. "Napuyat ang mga 'yan sa pagbabantay sa akin. Sabi ko nga ay iuwi na lamang nila ako sa Batangas." Mu