Eunah KINABUKASAN ay maaga kaming lumipad patungong Sta. Maria Bulacan sakay ng chopper. Kasama na namin ang pamilya ko, ang asawa at anak ko, sila Mama, Papa, Lola, Tita Evelyn at ang mga pinsan ko. Ang family naman ni Damiel ay magtutungo na lamang doon sa mismong araw na ng aming kasal. Sa wakas ay nakaharap na rin ni Mama ang pamilya ni Papa. Nagkausap-usap sila at nagkaroon pa nang iyakan. Humingi din ng tawad si Mama sa kanila, pero sa huli ay nagkapatawaran din naman ang lahat at nagkaayos. Tatlong araw pa ang bibilangin bago sumapit ang aming kasal, kaya nagkaroon pa kami ng time para makapamili para sa mga isusuot ng pamilya ko. Nagtungo kami sa mall at naipasyal din namin sila. Si Lola ay sakay ng wheelchair dahil hirap pa rin siyang makalakad hanggang ngayon. Pinakain kami n