UNDERCOVER FOR HIS HEART 50: Suicide

1231 Words

Walter NANGINIG ang buong katawan ko sa magkahalong gulat at takot na bumalot sa akin. Kaagad kong sinapo ang dibdib ko habang nakatitig sa baril kong ngayon ay nasa sahig na. Bigla itong tumalsik at nakawala sa kamay ko na para bang may napakalakas na bagay na tumama dito. Tangka ko na sana itong ipuputok kanina sa dibdib ko. Ang buong akala ko nga ay tinamaan na ako. Napalingon ako sa babaeng naglalakad na ngayon palapit sa akin habang suot ang isang kaakit-akit na long gown. Pero sa kamay nito ay naroroon ang isang baril na ngayo'y nakatutok sa akin. Siguradong siya ang bumaril sa baril ko kaya ito nakawala sa kamay ko. "Ikaw na naman?" hinihingal kong tanong sa kanya. Blossom Delavega. Hindi ko pa rin mapigilang ilibot ang paningin ko sa kabuuan niya. May itinatago din naman pal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD